Lunes, Pebrero 21, 2011

Paano maging textmate

Hindi kinakailangan na mahusay ka mag "jejemon" para maging isang textmate, pero may mga mga rekisitos para maging isa.

Una kailangan siyempre may cellphone ka, kahit anong unit yan pede, mas kumplikado mas maganda yung tipong may access sa mms at facebook para pag gusto niyo na add ang isa't isa pedeng pede na din agad.

Ikalawa, kailangan din ng skill sa pagtetext (hehehe) well kahit sino ngayon meron nito? ang iba nga nakapikit pa kayang kaya.

At siyempre ang last kailangan mo ng textmate... kahit madami pede....

Ilang paraan para makakuha ng textmate .... manood ng Chat TV meron dung mga nagpopost ng number nila na nagbabakasaling makita ito ng isang individual na iniimagine nila sa kanilang isipan, meron din namang nagpopost ng number nila sa kung saan saan meron sinusulat sa likod ng upuan ng bus, merong sinusulat sa CR, meron din namang nakalagay na mismo sa mga business cards, siyempre tong mga to mga tipong mga propesyunal at ginagamit ang kanilang business cards for business purposes.

Kung anu't ano pa man pede ka rin naman manghingi ng number sa ilang kaibigan, siguraduhin lang na di ka nila pagtitripan at baka number ng boss ng kung saan kumpanya yun o di kaya bigyan ka nila ng number ng totally uninteresting person.

Kapag may number ka na ng ibang tao na ito, pede mo na simulan ang pagiging textmate.

Sa umpisa tanungan yan NSAL (Name, Age, Sex, Location)
To be continued....